About Me

My photo
I am born not rich but rich in love. I have a good family, good friends. I already taste the life's bitterness but also taste life's sweetness. I am just simple, Friendly and understanding. GOD fearing. I believe in GOD so much. I just cant explain it here but deep in my heart I know , I feel it.

Saturday, June 30, 2007

The strike that hurts

Noon, ang saya ng buhay ko. Walang problema, ang daming kaibigan. Masaya lahat. Pero alam nyo ba nabago ang lahat simula ng magkaroon ako ng nobyo. Kaibigan ko siya simula noong first year college. Noon, nanligaw siya sa akin pero hindi ko pinansin kasi concentrate ako sa pag-aaral ko. Hanggang sa natapos ko college ko.

Ngayon mayroon na akong trabaho, pero muli bumalik ang dating manliligaw. Pero ngayon sinagot ko siya. Pero takot ako. Pero ok naman noong una. Masaya kami, ang sweet pa niya. Kwento dito, kwento doon. Tawa dito, tawa doon.

Pero bakit ganito ngayon ang nangyari. Bakit ipinagpalit niya ako. Ang sakit naman. Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Wala naman akong ginawang masama. Iniwan niya ako. Ang sakit. Wala na kami. Bakit ganito? Sinaktan niya ako. Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Dito sa puso ko, ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Ang sakit pala.

Sana hindi nalang siya nanligaw ulit. Sana hindi ko siya sinagot. Tinuruan lang niya puso ko kung pano umibig. Sana, hindi na ako na enlove sa kanya. Sana hindi nalang ako nagmahal. Di na sana ako nasaktan ng ganito. Bakit ganito? Siguro, I was born not to be loved but only to be hurt. Ang sakit ng naramdaman ko ngayon. Dito ko nalang ibuhos lahat ng sama ng loob ko. Lahat ng hirap. Gusto ko siya makita ngayon pero ayoko.

Siguro, ngayon, concentrate nalang ako sa trabaho ko at sa pamilya ko. Sa kapatid ko. Doon ko nalang ibubuhos lahat ng oras ko. Bahala na kung tatanda akong dalaga kaysa naman mapunta lang ako sa lalaking walang namang kwenta....

No comments: